Bola Kontra Droga sa Barangay Landoc

Sa pagtatapos ng unang buwan ng taon, ika-31 ng Enero 2018, ginanap sa Barangay Landoc ang Anti-Illegal Drug Campaign Bola Kontra Droga na programa ng PNP Alaminos at ang opisina na ating butihing Bise Alkalde Anton Perez at sapakikipagtulungan ng Brgy. Council sa pangunguna ni PB Salvador Dona. Dumalo sina Kgd. Antonio Querido, Kgd. Josephine Rabot, Kgd. Sean Credo, Brgy. Sec. Jenny Sagun, mga CVO’s na sumuporta upang maging maayos ang programa.

 

 

 

 

Mainit namang tinanggap ng mga kabataan ng Brgy. Landoc ang paglalaro ng basketball kasama ang Vice Mayors Office at Philippine National Police.

Maraming Salamat Brgy. Landoc!

#BolaKontraDroga

Panulat ni: Charlotte C. Reynaldo

 

Advertisements

“Everyday is a challenge, ang importante ay magkakasama tayo na kahit anong mangyari o kahit gaano kalaki ang mga pagsubok na ating kakaharapin tayo ay magkakasama” – VM Anton Perez

“Everyday is a challenge, ang importante ay magkakasama tayo na kahit anong mangyari o kahit gaano kalaki ang mga pagsubok na ating kakaharapin tayo ay magkakasama” mensahe ng ating butihing Vice Mayor Anton Perez bilang Pangunahing Pandangal sa Brgy. San Antonio sa kanilang taunang kapiyestahan.

Taos Puso namang nagpapasalamat si PB Hilario Onia sa kanyang sa mga ka-barangay sapagkat naging matiwasay ang dalawang araw na selebrasyon ng kanilang kapiyestahan.

Isa naman sa parte ng kanilang selebrasyon ay ang ” Search for Mutya ng San Antonio” na kung saan si Bb. Michelle Mirales ang kinoranahan sa nasabing patimpalak.

Napuno ng sayawan, kasiyahan at marami pang iba ang nasabing selebrasyon.

/Xtian

 

26994016_750878725120297_3368503486057331873_n27332054_750878775120292_92202633541795505_n26907790_532268490482934_2053567422953631628_n27072781_532268590482924_8396032674837190661_n

Bola Kontra Droga sa Brgy. San Antonio

Sa pangalawang araw ng kapiyestahan ng Brgy. San Antonio, ika-27 ng Enero, 2018, ginanap ang Bola Kontra Droga. Bagamat puyat at ang iba ay abala sa mga gawain dahil sa kasagsagan ng kanilang kapiyestahan, naglaan pa rin ng oras ang mga kabataan dito para makapaglaro.

Natapos ang laro ng maayos at walang nasaktan. Natutuwa naman ang mga kabataan dito dahil sa kanilang pagkapanalo sa kanilang kalaro ang Vice Mayor’s Office at Philippine National Police.

#bolakontradroga27067229_532271210482662_2713608723934075645_n27067385_532271250482658_2477179976338240662_n27332439_532271230482660_3849698067624843714_n

SSG ng Polo National High School nagpasalamat ng personal kay Vice Mayor Anton Perez

Ika-2 ng Oktubre taong 2017 ng dumalaw ang mga SSG officers kasama ang kanilang adviser upang pasalamatan ng personal si Vice Mayor Anton Perez na kasama nila at tumulong upang makaisakatuparan ang pagpapalagay ng sliding door sa kanilang opisina.

 

22050301_703659599842210_945076045311519365_n
Polo NHS SSG and Adviser with Vice Mayor Anton Perez

22089193_703659603175543_305867937428446146_n22140984_703659609842209_2336935501878769411_n