Araw ng Pasasalamat Mula kay Kuya Anton

Isinagawa ang Araw ng Pasasalamat sa pamamagitan ng simpleng salo-salo ng mga bata na handog ni Kuya Anton mula Braganza village, Sitio Palali at Sitio Sabaro.

Advertisements

Mamamayang Ayaw sa Anomalya, Mamamayang Ayaw sa Iligal na Droga

3rd Quarter City Peace & Order Council meeting today and some peace and order challenges were discussed, along with peace & order situation in the city and the reorganization of MASA MASID –Mamamayang Ayaw sa Anomalya, Mamamayang Ayaw sa Iligal na Droga. VM Anton Perez as vice chairperson of the CPOC.

21768157_701956040012566_4979782138175583381_n21768202_701956043345899_8130091053297971921_n22046870_701956046679232_8760664011727284424_n22046904_701956216679215_8858316817122302819_n

Bola Kontra Droga, tugon ng PNP Alaminos at ni Vice Mayor Anton Perez

Bola Kontra Droga

Bola Kontra Droga
PNP Alaminos City, Vice Mayor Anton Perez, Vice Mayor’s office staff at guest player ng Poblacion

Bola Kontra Droga

Naging matagumpay ang isang ‘friendly basketball game’ na nilahukan ng PNP Alaminos City, Vice Mayor’s Office at selected players ng Poblacion. Ito pa lang ang kauna-unahang friendly game, programa hatid ni Vice Mayor Anton Perez at ang Sanggunian kasama ang Philippine National Police ng Alaminos. Naglalayong ilayo ang ating mga kabataan sa masamang gawain. Iikot ang Bola kontra Droga team sa ibat ibang barangay, Isasama na din ang larong volleyball sa naturang programa.

3M’s (Magbasa, Maglinis at Magtanim) sa Brgy. Magsaysay tagumpay

Naging masaya at makabuluhan ang 3Ms sa Barangay Magsaysay.  Layunin nito ay ang maturuan ang mga bata magbasa at bigyan ng impormasyon sa ating Zero Waste Management Act at ang ating mga ordinansa, kasama na din ang pagaalaga sa ating kalikasan. Nagkaroon ng simpleng mga palaro at ilang activities na dinaluhan ng mga bata, matanda, guro, brgy officials at mga magulan. Natapos ang pagtitipon sa simpleng pagsasalo.

 

Araw ng pagbasaZero WasteZero Waste21192223_692108144330689_6189734889534500573_nTree Planting21230965_692108110997359_7459274389135615011_n

Nutrition Month 2016, dinaluhan ni VM Anton

ni Liane Joy Bersamina

14352508_538119949729510_5285582997109845381_o

Ang butihing Vice Mayor Jose Antonio Miguel Y. Perez ay dumalo sa ilang mga pagdiriwang ng Nutrition Month 2016, partikular na sa Sabangan Elementary School at sa Dulacac Elementary School, Lungsod ng Alaminos nitong Hulyo.

Naging panauhing pandangal si Vice Mayor Anton sa taunang pagdiriwang ng Nutrition Month sa mga nasabing eskwelahan, kung saan tinalakay niya ang kahalagahan ng edukasyon at kalusugan ng bawat bata. Alinsunod sa Memo-Circular 2016-90 ng Department of the Interior and Local Government (DILG), ang iba’t ibang sangay ng lokal na pamahalaan ay hinimok na magtampok ng pagdiriwang ng Nutrition Month sa buwan ng Hulyo sa ilalim ng temang “First 1000 days ni baby pahalagahan para sa malusog na kinabukasan.”

Ayon kay Vice Mayor Anton, nagagalak siyang makita na ang mga magulang, mga guro at ang gobyerno ay nagkakaisa para sa ikauunlad ng mga mag aaral. Hinikayat ng vice mayor ang tuluy-tuloy na kooperasyon ng mga nasabing grupo upang masigurong mabigyan nang tamang nutrisyon ang mga bata dahil sa malaking epekto nito sa pag-unlad ng kanilang pangangatawan at kaisipan.

 

14237586_536387486569423_2455935438421076643_n

“I personally believe that education is the greatest equalizer of our society. Let us remember, it takes a village to raise a child” pahayag ni Vice Mayor Anton. Dagdag pa niya na kung nabigyan ng tamang nutrisyon nang maaga ang mga bata sa kanilang unang 1000 na araw, lalong lumalaki ang kapasidad nilang matandaan ang kanilang mga inaaral.

Sinabi din niya sa kanyang talumpati na ang Sanggunian ay nakikiisa at sumusuporta sa anumang proyekto na maglilingkod sa mamamayang Alaminian