Featured

Ace that Play! One Team!

Sigaw ng mga manlalarong kabataan ng volleyball sa Lungsod ng Alaminos.

Ace That Play! One Team!
Ace that Play! One Team! One Family!

Isang matagumpay na programa ang Ace that Play: A Summer Volleyball clinic ng Vice Mayor’s office na pinangungunahan ni Vice Mayor Anton Perez kaisa si Sir Ryan Revita ng One Mendez Volleyball Revitalized na ang tanging layunin nito ay mahubog ang mga talento ng mga kabataan sa larong volleyball at upang makaiwas sila sa masamang gawain.

IMG_8711
Wacky post ng mga players kasama si Vice Mayor Anton Perez at Sir Ryan Revita

Hindi biro ang kanilang drills at trainings. Natutunan ng mga manlalaro ang tamang setting, passing, approach at attack. Kasama sa mga natuto ay may basic at advance na sa larong volleyball.

IMG_5996
Warm up sa Legislative ground.

Naging mahirap ang pinagdaanan ng 46 na manlalaro na kabilang sa training. Sinukat ang kanilang galing, kakayahan at stamina. Hindi maiwasan ang mga minor injuries ng mga manlalaro na natugunan naman ng mga organizers pero naging sulit ito dahil sa mga makabagong teknik na natutunan ng mga bata.

IMG_6155
Agarang natugunan ni Adad, isa sa mga staff ng Vice Mayor’s office ang minor injury ng mga players.

“No pain, no gain!” Sabi ni Vice Mayor Anton Perez sa mga manlalaro sa pagsisimula ng kanilang friendly tournament. “Isang pagpapatunay lang na ang inyong dedikasyon sa larong ito ay hindi kayang hadlangan ng mga pagsubok at naway maging susi ito sa inyong mga pangarap.” dagdag pa ng Bise Alkalde

forpost
Mensahe mula kay VM Anton Perez

Binati naman ni Sir Jeff Jimenez, isang Volleyball Head coach ng DepED ang mga bumuo at nag organisa ng programang Ace that Play. Binigyan diin ni Sir Jimenez ang initiatize ng Vice Mayor’s office at mga organizers na nagkaroon ng Libreng training para sa mga bata.

jef
Sir Jeff Jimenez, Volleyball head coach.

Isang malaking hakbang naman ang programang ito para sa mga manlalaro ng Alaminos punto ng Alaminos City Division Representative – MaPeH Head na si Sir Arleen Alcantara. Inimbitahan ang mga manlalaro ng Ace that Play na sumama sa gaganaping try-out ng division para sa R1AA. Nakikipagugnayan na din si Sir Alcantara sa Vice Mayor’s office para sa posibling integration ng volleyball training sa Lungsod.

IMG_9110
Sir Arleen Alcantara, Division Representative, MAPEH Head sa kanyang inspirational talk.

Nagkaroon ng testimonials ang mga ibang manlalaro tungkol sa kanilang mga natutunan at nagpasalamat din sila kay Vice Mayor Anton at kay Sir Rye. Hiniling ng mga manlalaro na sana ay mgakaroon pa ng mga ganitong klaseng programa para sa kabataan.

 

Abot naman ang pasasalamat ni Sir Ryan Revita, head trainer ng Ace that Play kay Vice Mayor Anton at sa buong staff kasama ang mga manalaro dahil sa tiwala at suporta na ibinigay sa kanya. At nag-iwan ng mga katagang “ Today I teach for free, but promise me to pay me back tomorrow by teaching others what you’ve learned.”

IMG_9259
Inspirational message galing sa Head Trainer, Sir Ryan Revita

Si Michael Ralph Cardenas, project head ng Ace that Play at isang sports coordinator ng Vice Mayor’s office ay nagpasalamat sa lahat ng mga naging bahagi ng training, pinaalala niya sa mga kabataan na ang ating Bise Alkalde ay naging varsity player ng basketball at kung gaano kahalaga ang sports development program para sa mga kabataaan. “Makakaasa ang mga kabataan na hindi lang ito simula kundi palalawakin pa ang mga ganitong klaseng progama.” dagdag ni Mr. Cardenas.

IMG_3115
Mensahe ni Ralph Cardenas sa pagsisimula ng training.
IMG_4136
Day 1 sa Barangay Palamis
IMG_8627
Paalala mula kay Kuya Christian Capitle

IMG_9721

Panulat nina: ZPops Fernandez at Jhy Pascua (OJT – Vice Mayor’s Office)

Advertisements

Bola Kontra Droga sa Barangay Landoc

Sa pagtatapos ng unang buwan ng taon, ika-31 ng Enero 2018, ginanap sa Barangay Landoc ang Anti-Illegal Drug Campaign Bola Kontra Droga na programa ng PNP Alaminos at ang opisina na ating butihing Bise Alkalde Anton Perez at sapakikipagtulungan ng Brgy. Council sa pangunguna ni PB Salvador Dona. Dumalo sina Kgd. Antonio Querido, Kgd. Josephine Rabot, Kgd. Sean Credo, Brgy. Sec. Jenny Sagun, mga CVO’s na sumuporta upang maging maayos ang programa.

 

 

 

 

Mainit namang tinanggap ng mga kabataan ng Brgy. Landoc ang paglalaro ng basketball kasama ang Vice Mayors Office at Philippine National Police.

Maraming Salamat Brgy. Landoc!

#BolaKontraDroga

Panulat ni: Charlotte C. Reynaldo

 

“Everyday is a challenge, ang importante ay magkakasama tayo na kahit anong mangyari o kahit gaano kalaki ang mga pagsubok na ating kakaharapin tayo ay magkakasama” – VM Anton Perez

“Everyday is a challenge, ang importante ay magkakasama tayo na kahit anong mangyari o kahit gaano kalaki ang mga pagsubok na ating kakaharapin tayo ay magkakasama” mensahe ng ating butihing Vice Mayor Anton Perez bilang Pangunahing Pandangal sa Brgy. San Antonio sa kanilang taunang kapiyestahan.

Taos Puso namang nagpapasalamat si PB Hilario Onia sa kanyang sa mga ka-barangay sapagkat naging matiwasay ang dalawang araw na selebrasyon ng kanilang kapiyestahan.

Isa naman sa parte ng kanilang selebrasyon ay ang ” Search for Mutya ng San Antonio” na kung saan si Bb. Michelle Mirales ang kinoranahan sa nasabing patimpalak.

Napuno ng sayawan, kasiyahan at marami pang iba ang nasabing selebrasyon.

/Xtian

 

26994016_750878725120297_3368503486057331873_n27332054_750878775120292_92202633541795505_n26907790_532268490482934_2053567422953631628_n27072781_532268590482924_8396032674837190661_n

Bola Kontra Droga sa Brgy. San Antonio

Sa pangalawang araw ng kapiyestahan ng Brgy. San Antonio, ika-27 ng Enero, 2018, ginanap ang Bola Kontra Droga. Bagamat puyat at ang iba ay abala sa mga gawain dahil sa kasagsagan ng kanilang kapiyestahan, naglaan pa rin ng oras ang mga kabataan dito para makapaglaro.

Natapos ang laro ng maayos at walang nasaktan. Natutuwa naman ang mga kabataan dito dahil sa kanilang pagkapanalo sa kanilang kalaro ang Vice Mayor’s Office at Philippine National Police.

#bolakontradroga27067229_532271210482662_2713608723934075645_n27067385_532271250482658_2477179976338240662_n27332439_532271230482660_3849698067624843714_n

SSG ng Polo National High School nagpasalamat ng personal kay Vice Mayor Anton Perez

Ika-2 ng Oktubre taong 2017 ng dumalaw ang mga SSG officers kasama ang kanilang adviser upang pasalamatan ng personal si Vice Mayor Anton Perez na kasama nila at tumulong upang makaisakatuparan ang pagpapalagay ng sliding door sa kanilang opisina.

 

22050301_703659599842210_945076045311519365_n
Polo NHS SSG and Adviser with Vice Mayor Anton Perez

22089193_703659603175543_305867937428446146_n22140984_703659609842209_2336935501878769411_n